I got reasons for doing what I do and that's that.
Kung ang ideya nyo ng pagseseryoso ay ang pagiging workaholic at masyadong pagbababad sa pag-aaral, hindi ako gano'n.
Sa ganitong paraan ko sineseryoso ang buhay: humihinga ako ng malalim, pinapansin ko ang mga tao at bagay sa paligid ko--nakakainis man o nakakatuwa. Ipinapakita ko sa lahat kung ano ang nararamdaman ko--hindi ko iyon tinatago, at ginagawa ko ang gusto ko dahil alam kong isang beses lang akong mabubuhay sa mundong ito. Ayokong sayangin kahit isang araw.